Abante Tonite Interactive

Valdez, Creamline batak vs PetroGazz

344

Sisimulan ni star Alyssa Valdez at ng Creamline ang pagdepensa sa titulo sa talbog ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference mamaya sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Matatasahan agad ang maagang naghasa na si Valdez at Cool Smashers sa pagharap sa mas determinadong PetroGazz ni S­tephanie ‘Paneng’ Mercado sa 4 pm main game ng double-header.

Championship experience ang magiging bentahe ng Creamline na ipapabargo pa sina vete-rans Jema Galanza, Jia Morado at Pau S­oriano kasama ang ilang FEU stalwarts na sina Celine Domingo, Heather Guino-o at Kyle Negrito.

Balik-Creamline din si Thai spiker Kuttika Kaewpin, na isa mga nagdala sa brigada sa trono noong nakaraang taon, katerno si Aleoscar Blanco.

“This is interesting but we want to defend our title. Our imports have been here since March so we’ve been practicing with them for more than a month now. Hopefully, the chemistry is already there,” bulalas ni Valdez.

Susuungin ng Angels ang unang challenge laban sa Cool Smashers sa pagtuwang kay Mercado nina Chie Saet at Jessey de Leon sa paggabay ni coach Jerry Yee.

Nadagdagan ng lakas ang PetroGazz sa pagda-ting ni Jeanette Panaga, mula Pocari Sweat, at Jovelyn Prado, na buhat Tacloban Fighting Warays, at sina reinforcements Wilma Salas at Janisa Johnson. (F­ergus Josue, Jr.)