Abante Tonite Interactive

Valdez, Creamline patok sa PVL Reinforced Conference

399

Kahit pa lumisan na sa defending champion Creamline ang head coach na si Tai Bundit, target pa rin ng koponan na sundan ang tagum­pay para sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference na sisimulan sa Mayo 26, FilOil Flying V Center, San Juan.

Makakatapat ng Cool Smashers ang PetroGazz sa main event sa alas-4 ng hapon sa season-opening conference.

Usap-usapan ngayon na isang international Chinese coach ang ipapalit kay Thai taskmaster para sa team na nakadalawang korona.

Abante Hiring – IT dep

Matatag pa rin ang line-up ng koponan na pangungunahan nina Alyssa Valdez, Michele Gumabao, Jema Galanza at Jia Morado kasama pa ang dalawang imports na sina Thai spiker Kuttika Kaewpin at Ve­nezuela national team blocker Aleoscar Blanco.

Pero ‘di magiging madali ang daan para sa Cool Smashers dahil makakabangga rin nito ang BanKo Perlas, BaliPure, Motolite na ibabandera ni Myla Pablo at Pacific Town Army. (Janiel Abby Toralba)