Abante Tonite Interactive

Valdez, Creamline pinatid ang Chef’s

281

Walang humpay na humambalos si Alyssa Valdez ng 16 points at inakay defending champion Creamline sa pagtimbuwang sa Chef’s Classic, 25-12, 25-5, 25-15, sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations Linggo ng gabi sa sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Kinayod ng Batangueña volleybelle ang iskor niya sa likod ng walo sa atake, pitong service ace at isang block para sa third straight win sa gayung daming games at solo sa liderato ng Cool Smashers sa midseason volleyfest ng Sports Vision Management Group, Inc.

““This is the first game na nakalaban namin ang Chef’s Classics yung mystery on how to play against them nandoon kami, kasi every time, parang most of the teams na nakalaban namin laging first game nila except Chef’s kasi they had a game yesterday,” suma ni Valdez.

“Mas nakapag-aral din kami at mas napaghandaan namin, napanood din namin game nila kahapon (Sabado) so kaya mentally we’re also prepared, more than the physical na laging kaming nagte-training, I think nangibabaw talaga yung mental toughness namin today na tapusin ng maayos yung game,” panapos niya.

(Janiel Abby Toralba)