Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Valdez, Creamline umiskor

0 109

Humarurot si Alyssa Valdez ng points para pabagsakin ng Creamline ang Cignal, 25-22, 27-25, 25-19, sa Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference eliminations sa PCV-Socio & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Lunes ng gabi.

Nakapaloob sa bangis ng volleyball phenom ang 11 attacks at tig-1 block at service ace para ibawi ang Cool Smashers sa pagkatisod sa four sets kontra Chery Tiggo noong Biyernes.

“One of the things na ginawa namin sa practice would be our floor defense and hopefully mas na-improve siya today and magtuloy-tuloy lang ang improvement para sa mga future game namin,” komento ng 28-anyos Batangueña na hinirang na best player of the game.

Angat ang reigning champion Creamline sa 6-1 sa pagkapit sa segunda samantalang balandra ang HD Spikers sa 1-5 at ikalawang nasipa na sa next round kasunog ng PLDT na may 1-6 win-loss slate. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.