Abante Tonite Interactive

Valdez ipapa-raffle ang jersey bilang ayuda sa COVID-19

579

Kasama sa ipapa-raffle ni volleyball phenom Alyssa Valdez ang kanyang 30th Southeast Asian Games PH 2019 national team jersey upang makatulong sa mga frontliner na lumalaban sa coronavirus disease 2019.

Sinuot ng 26-anyos, may taas na 5-9 Premier Volleyball League (PVL) star ang kulay asul na jersey sa laban ng Philippine team kontra Indonesia sa 11-nation, 12-day sportsfest noong Nobyembre 30-Disyembre sa PhilSports Arena sa Pasig.

Caption ng Batanguenang dalaga sa Instagram niya, “I’ll be raffling off my 2019 SEA Games jersey as my way of serving our frontliners. Wearing this blue jersey during our battle for 3rd in the 2019 SEAG — last match — against Indonesia.

It was a very tight game, we almost met our goal, we were nearly reached the finished line, however, we fell short. I believe that this is God’s way of preparing us to spread our wings in His perfect time. 💙 Check out @vcgbph for more details! #ServeOurFrontliners #VolleyballCommunityGivesBack.”

Bukod kay Valdez, karamihan din sa mga sikat na balebolista sa bansa’y nag-pledge ng kanilang mga jersey at iba pang mga kagamitan para sa pa-raffle ng Volleyball Community Gives Back na tutulong sa mga frontliners. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad