Abante Tonite Interactive

Valdez nakipagkita sa pinaiyak na tatay

331

By RMP

Nag-viral sa social media ang isang ama na napaiyak dahil kay Creamline star Alyssa Valdez, ‘di dahil nasaktan siya nito, kundi sanhi sa sobrang saya na makita ang idolong balibolista.

Nakilalang si Ricky Matrimonio, aniya, dati pa lang super idol na nito si Valdez buhat pa nang naglalaro pa lang para sa Ateneo Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippoines.

Ang tingin niya sa three-time Premier Volleyball League MVP, isang ‘super girl’.

“Kasi matagal ko na siyang idol eh, college pa lang siya idol ko na siya. Bilib ako sa kanya,” ayon kay Matrimonio nitong Linggo.

“Talagang idol ko siya, natutuwa ako na makita ko siya, sobrang tuwa. Masaya ako, sobrang saya napaiyak ako na napansin niya ako,” lahad ng 50-anyos, na na-stroke noong 2018.

Sa naging laban ng Cool Smashers kontra PetroGazz sa Game 2 ng 3rd PVL 2019 Reinforced Finals nagkita ang super fan at si Valdez.

“Nakakatuwa, very genuine talaga. Na-meet ko siya kanina he was saying na he has been watching me since I was in college, tapos na stroke siya tapos hindi na siya nakakanood masyado kasi syempre nahihirapan siya gumalaw,” kwento ni Valdez.