Abante Tonite Interactive

Valdez, PH 6 kinapos vs Vietnam

0 570

Kinapos si Alyssa Valdez at ang national women’s volleyball team kontra Vietnam 25-21, 23-25, 19-25, 25-20, 8-15, sa 30th Southeast Asian Games women’s volleyball Martes nang gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang pagkatalo ng Nationals sa pagbubukas ng sport sa 11-nation, 12-day ­biennial sportsfest.

Tapos ang 7-8 sa ­huling set, kumawala na ang Vietnamese para makuha ang panalo at pauwiing malungkot ang mga Pinoy na manonood.

Walang saysay ang 22 points ni Valdez, at tig-12 puntos nina ­Jovelyn Gonzaga at Ces Molina.

Sunod na makakaharap ng national squad ang Thailand sa ­Huwebes, Disyembre 5.

Nanguna naman para sa Vietnam si Thi Thanh Thuy Tran na may 27 markers. (Janiel Abby Toralba)