Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Valdez, Ravena golf ang peg

0 112

Kung wala sa court, nasa greens naman si basketball star Kiefer Ravena.

Kasama pa ang girlfriend niyang si volleyball superstar Alyssa Valdez.

Sabay pumapalo ang dalawa.

Sa larawang pinost ni Kiefer sa Instagram Martes, madilim pa ay nasa Intramuros Golf Course na sila ni Alyssa.

“Cheers to more 5 a.m. golf adventures with you!” caption ng NLEX guard.

Hindi nakalimutan ng dalawang isuot ang kani-kanilang face mask.

Natawa si Valdez, bumalik ang mga panahon na para aniya silang nag-aaral pa at pupunta ng field trip.

“Parang may field trip ‘yung gising,” comment niya.

Minsang naglalaro din ang dalawa sa mga videos nila.

Nagba-basketball sa bakuran nina Kiefer, o kaya ay pumapalo-palo ng volleyball.

Kita ang kondisyon ng katawan ni Kiefer, todo ang paghahanda para sa susunod na season ng PBA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.