Abante Tonite Interactive

Valdez, Ravena, iba pang mga sports celeb bumoto

0 220

‘Di napaghiwalay ng init ng panahon at halalan, sabay na bumoto para sa mid-term elections 2019 sina volleyball phenom Alyssa Valdez at basketball superstar Kiefer Ravena.

Sa Instagram story ni Valdez, nakitang ini-interview pa sila ng ABS-CBN kung saan talento pa rin sila samantalang sa IG story naman ni Ravena ay ipinakita nila ang kanilang daliri na may indelible ink.

Ibinahagi naman ng teammate ni Valdez sa Creamline Cool Smasher na si Fille Cainglet-Cayetano sa kanya ring IG story ang daliri niyang may caption na “Election Day! Bumoto ka na ba? May 13, 2019”

“Done in an hour! Better voting experience than the last national/local elections. Thank you to all the volunteers! #OneGoodVote,” post ni BanKo Perlas spiker Dzi Gervacio sa kanyang IG story.

Samantala, “On duty” si Channel 2 TV host Gretchen Ho para ibalita ang mga latest update sa eleksyon 2019.

At sa post ni Sen. Manny Pacquiao, sinabi nitong “never let anyone tell you you’re too small to be heard. I am proof that each one of us – no matter the smallness of our birth – has the power to effect great change. Today, harness that power. Let your voice be heard. Vote. Good luck to all candidates and may God bless the Philippines!” (Janiel Abby Toralba)