Abante Tonite Interactive

Valdez relate sa pagkatalo ni Rondina

367

Masakit para kay Sto. Tomas Golden Tigress at UAAP season 81 women’s volleyball MVP Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ang pagkatalo ng kanyang koponan sa Ateneo Lady Eagle sa knockout Finals Game 3 nitong Sabado ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

At ramdam ito ni phenom Alyssa Valdez.

Magugunitang nabigo rin si Queen Lady Eagle Valdez sa kampeonato sa nang huli niyang taon din sa Ateneo sa season 78 o noong 2015-16.

“Oo naman I feel for Sisi also, being her last year,” pahayag ni Valdez na may dalawang kampeonato sa Loyola heights-based squad.

Para pa rin sa former UAAP MVP, batid niyang ‘di naging madali ang landas na tinahak ng UST Golden Tigresses.

“I think it’s so refreshing to see a different team being in the finals also,” kwento niya.

Pinangwakas ni Valdez, “It’s so nice na very inspiring ang story ng UST kasi from No. 7 last year and now they gave a good fight to Ateneo.”
‘Di man naiuwi ang korona sa España, proud pa rin ang buong UST community sa husay at puso na pinamalas ni Rondina para sa huli niyang taon sa kanyang paaralan. (Janiel Abby Toralba)