Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Valdez sa jump rope challenge

0 212

Nagsama-sama ang Nestle Philippines Inc., Department of Education (DepEd) at Philippine Jump Rope Association (PJRA) sa bagong proyektong pangkabataan pagpapalakas ng katawan bilang sport sa panahon ng pandemya – ang Nationwide Milo 10M Skips Program.

Magiging parte sa selebrasyon ng World Milk Day, ipinahayag Martes ng umaga sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ito nina Milo Sports Manager Lester Castillo, Milo Senior Vice President Veronica Cruz, PJRA Athlete Council Rob Layco at DepEd Undersecretary Tonisito Umali.

“Milo has partnered with DepEd and PJRA in celebrating World Milk Day with 10M Jump rope skips challenge,” ani Castillo sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Inaasahang mangunguna sina Premier Volleyball League (PVL) star Alyssa Valdez at Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena sa challenge na ituturo sa mga estudyante mula grade four pataas. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.