Abante Tonite Interactive

Valdez, tropa tuloy ang tulong sa mga frontliner

0 253

Matapos ang matagumpay na volleyball bundle raffles, tuloy-tuloy parin ang pagtulong ng Volleyball Community Gives Back PH sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Charo Soriano, Amy Ahomiro, Gretchen Ho, Aby Maraño at Amanda Villanueva.

Ngayon, bilang bahagi ng VCGBPH raffles, mga memorabilia mula sa sikat na showbiz celebrities ang nakataya bilang tulong sa mga frontliner na lumalaban kontra coronavirus disease 2019.

Kasama sa pre-loved items ng Celebrity Bundle raffle ang mga itemn mula kina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Dingdong Dantes, Kathryn Bernardo, Derek Ramsay, Jennylyn Mercado, Rovilson Fernandez, Angelica Panganiban, Marco Gumabao, Mimiyuuh, Elisse, Hashtag Luke at Paulo Arvie.

Lahat ng malilikom mula sa raffle ay gagamitin upang makapag-produce ng mga personal protective equipment (PPE).

Nakapamahagi na ang VCGBPH ng 2,000 PPEs sa Sultan Kudarat, Quezon Medical Center, Batangas, Aklan, Puerto Galera, Cebu, Northern Mindanao Medical Center-Cagayan de Oro, Muntinlupa at Quezon City mula buhat sa #ServeOurFrontliners: Raffles For Heroes campaign.

“We are continuously producing PPEs to serve our frontliners and we plan to keep on donating them through the referral hospitals in various provinces as well as here in Metro Manila,” pahayag ng VCGBPH.

Sa mga nais mag-donate, ipadala lang ito kay Ryan Sordan via BPI bank account 8069 0632 77, GCash 0917-5003390 at PayMaya 0917-5003390.

Namigay na rin ang VCGBPH ng care packs sa 175 pamilya, sa kanilang #CareForAll fund drive na para sa mga volleyball game day personnel na apektado rin ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa sa grupo, “The list of personnel and officials that need assistance are increasing and we are preparing for the third wave of distribution already.”

Magkakaroon rin ang VCGPH ng unified Philippine Volleyball Community Variety Concert online para makalikom ng pondo sa #CareForAll campaign. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad