Abante Tonite Interactive

Valdez winasiwas ang Angels

0 152

Isang kembot na lang at maidedepensa na ng Creamline ang korona sa 3rd PVL Open Conference 2019.

Umabante sa 1-0 lead sa best-of-three finals ng Sports ­Vision ­Management Group, Inc. ­season-ending women’s idoor volleyfest ang Cool Smashers nang silaban ang PetroGazz sa straight sets, 25-14, 25-22, 27-25 Miyerkoles nang gabi sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Ang hinirang na best player of the game na si Alyssa Valdez ang nag-alsa sa Creamline sa game-high 19 points sa likod ng 17 attacks at 2 services aces para pabagsakin ang season-opening Reinforced tormentor sa ikatlong sunod na pagkakataon sa ­kumperensiyang ito.

Nag-ambag si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ng 15 markerss at 10 excellent digs habang 10 puntos si Michele Gumabao para sa tsansang mawalis ang karibal pagtipa ng Game 2 sa Sabado sa parehas na playing venue.

“Well this is the finals so we expect nothing but all out na game from both teams and PetroGazz really showed it from the get-go,” bulalas ni Valdez sa 19-0 record na ng team. “So I guess yun rin yung ine-expect naming sa Game 2.” (Aivan Episcope)