Abante Tonite Interactive

Valeen at Jerald kaaliw ang kabastusan

By
19

NAPANOOD namin ang isa sa mga pelikulang ipinapalabas ngayon sa Q Cinema, ang The Write Moment na pinagbibidahan nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro.

Ang ganda ng movie, hindi typical na kilig, drama o pagpapatawa. Actually, malalim nga siya sa ordinar­yong kuwento ng love story.

https://www.instagram.com/p/Baa5WqcALKI/?hl=en&taken-by=valeentawak

May mga salita rin na hindi pambata, at medyo bastos talaga, pero bagay sa eksena. Bongga nga ang palitan nila ng kabastusan.

As usual, ang husay ni Jerald. Sabi nga namin, magaling talaga ‘tong taong ‘to! Sana after ng The Write Moment, may magsugal din sa kanya na mabigyan pa siya ng isang magandang material na parang nangyari kay Empoy Marquez na mas makilala pa ang husay niya.

Kasalukuyan pang mapapanood ang The Write Moment sa mga sinehan na pinagdadausan ng Q Cinema Film Festival tulad ng Trinoma at Gateway.

Sayang at wala si Jerald nang manood ang mga taga-Sunday PinaSaya at sinuportahan talaga siya. Hindi na nakarating si Jerald na nasa taping naman ng Super Ma’am.

Anyway, sinabi rin namin ito kay Jerald at sa manager niya na si Rams David na nag-cele­brate ng birthday noong Friday na puwede nilang bigyan ng indie movie na bida sina Jerald at Kim Molina. May chemistry ang dalawa at parehong mahusay umarte.

Aba, ilang minuto lang ang appearance ni Kim sa The Write Moment, pero nagmarka ‘yung eksena nilang dalawa, huh!