Abante Tonite Interactive

Valeen magpapa-canton

712

Isa si Valeen Montenegro sa mga aktres sa showbizlandia na may taglay na kagandahang hindi nakakasawang pagmasdan. Siya ang tipo ng babae na kahit saang anggulo pagmasdan-mapaharap, side view o nakatalikod, tiyak na mapapalatak ang sino mang kalahi ni Adan.

Ang porma o tindig ni Valeen ay masasabing isang babaeng materyales fuertes at kompletos rekados. Maganda, makinis, at nakapagpapabilis ng tibok ng dibdib ang kanyang katakam-takam na hubog ng katawan.

Ang taglay niyang sex appeal ay natural at hindi na kailangang mag-effort para mapansin ang kanyang kariktan.

Nakasuot man ng gown or casual attire, lutang ang beauty ng tisay na Kapuso aktres. Pero siyempre, mas gusto ng mga kalakihan na makita si Valeen na naka-suot ng two piece bikini.

Anytime ay puwede siyang makipagsabayan sa sinumang hubaderang aktres, dahil sa kanyang taglay na nakapaglalaway na ganda at kaseksihan.

Kung magiging palaban sa hubaran si Valeen, kumbaga sa box-office sa pelikula ay papatok ito nang husto sa takilya.

Animo kasi isang masarap na dessert o panghimagas si Valeen, na tiyak na pag-aagawang lantakan ng maraming kalalakihan. Kumbaga, tiyak na busog-lusog ang mga mata ng mga barako kapag ang tipo ni Valeen ang kanilang bibistahan.

Kahapon ay nagdiwang ng kaarawan si Valeen sa “Sunday Pinasaya’.Puwede siyang magpa-canton pansit for long life . (Nonie Nicasio)