Abante Tonite Interactive

Valenzuela judge ‘di mananaig sa pag-dismiss sa mga sangkot sa P6.4B shabu scandal – DOJ chief

By
1,399

Hindi pa umano tapos ang laban sa kabila ng pag-dismiss ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) sa kaso laban sa mga isinangkot sa P6.4 bilyong shabu shipment mula sa China noong Mayo 2017.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tiwala siya na hindi mababale-wala ang kaso dahil ito ay nai-re-file na sa Manila RTC, nakakulong na rin ang mga respondent at may nagaganap na trial.

Nabatid na isinampa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang kasong drug importation sa Valenzuela RTC dahil sa bodega sa Valenzuela nakuha ang mga shabu.

Noong Enero, hindi ito tinanggap ng Valenzuela RTC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon sa kaso dahil ang importasyon ay nangyari sa daungan ng Maynila.

Sanhi nito, kaagad inire-file ng mga prosecutor ang kaso sa Manila RTC.

Iniutos ang pag-aresto sa Customs broker na si Marc Taguba at mga Chinese middleman habang nakakalaya pa ang ibang kasangkot.

Gayunman, nalaman na hindi lamang sa Maynila ini-re-file ang kaso kundi maging sa Valenzuela RTC pero dinismis ni Judge Arthur Melicor ng Branch 248 dahil sa forum shopping.