Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Valenzuela RTC, ni-lockdown

0 201

Pansamantalang ipinatupad ang lockdown sa Regional Trial Court –Bulwagang Pangkatarungan ng Valenzuela City makaraang magkaroon umano ng contact ang isang empleyado nito sa isang COVID-19 positive.

Sa inilabas na memorandum ni Valenzuela City RTC Executive Judge Maria Nena-Santos, isinailalim kahapon sa quarantine ang lahat ng hukom at court personnel habang hinihintay ang resulta ng swab test ng empleyado na nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive.

Magnegatibo man ang resulta, itutuloy ang operasyon at transaksiyon sa korte subalit kapag nagpositibo, isasailalim ang mga kawani sa 14-day quarantine.

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang mga court hearings sa bisa ng video conference. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.