Abante Tonite Interactive

Valerie na-trauma sa manlolokong boylet

By
1,408

Aminado ang ‘Ika-5 Utos’ star na si Valerie Concepcion na niloko siya ng kanyang ex-boyfriend. Ito pahayag niya kahapon sa ‘Tambayan ng Tsika’, online show ng Abante Tonite.

Nakikipagbalikan pa umano ang kanyang ex-boyfriend pero kinontra ng mga malalapit niyang kaibigan. Baka raw muling maulit ang panloloko sa kanya.

Dahil dito, sinama siya ng isang friend niya sa isang party kesa makipag-date sa ex niya. Dito niya nakita ang magiging future husband niya. Sa unang pagkikita nila ay wala siyang interes.

Paglalarawan ni Val, parang ‘whirlwind’ daw umano nagsimula ang love story nila. Bago pa man niya nakilala si Francis Sunga ay ipinangako niya sa sarili na hindi muna siya papasok sa relasyon at mag-focus na lang sa sarili niya. Nadala kasi siya sa pakikipagrelasyon.

Subalit mapaglaro ang pag-ibig dahil ipinakilala na sa kanya ang future husband niya. Isa’t kalahating taon na ang relasyon nila ngayon ay long distance relationship.

Napagtanto ni Val sa sarili na si Francis na ang ‘The One’ kaya naman makailang beses na siyang umasa na magpo-propose ito.

Aniya, tuwing magkakasama sila ng boyfriend sa tuwing pinapapunta siya sa Guam o kaya nagsasama sila out of the country ay palagi niyang iniisip na magpo-propose na ito sa kanya.

Kaya nu’ng tanungin siya ni Francis kung payag ba itong magpakasal ay “Seryoso ka?” ang naisagot niya. Kay tagal naman kasi niya hinintay ang pagkakataon na ‘yun. Hindi niya inakala dahil payak lamang ang proposal.

Nang malaman naman ng anak niyang si Heather na ikakasal na siya ay umiyak pa raw ito sa saya. Masaya naman daw si Val dahil anak na ang turing ng kanyang fiancée kay Heather. Naiiyak pa siya sa tuwing tinatawag na Papa ni Heather si Francis.

Tungkol naman sa kasal ay hindi pa alam ni Val kung kailan ito magaganap dahil busy pa siya sa taping ng ‘Ika-5 Utos’ na magsisimula sa Lunes sa GMA-7.