Abante Tonite Interactive

Valerie natagpuan ang ‘forever’

By
0 641

Walang dudang maraming maaliw at mag-iinit kay Valerie Concepcion sa Ika-5 Utos dahil nga kinarir niya talaga ang pagiging bida kontrabidang si Clarisse.

Sa afternoon drama na idinirehe ni Laurice Guillen, katuwang si Lore Reyes, maraming inamin si Concepcion tungkol sa kanyang kakaibang katauhan.
Paano napunta sa kanya ang role na Clarisse?

“Hindi ako nag-audition, talagang ibinigay nila sa akin. I so love my role, Clarisse Buenaventura! Hindi ko alam na super bongga ang role. Sabi nga sa akin ni direk Laurice, don’t disappoint me, and don’t disappoint yourself,” deklara niya sa Tambayan ng Tsika, online show ng Abante Tonite.

 

Kamustang direktor si Laurice Guillen?

“She is very strict kasi nga siya is very passionate about this dahil maganda ang project. Gusto niya maipalabas ang best niya para sa iyo. Sa totoo lang, nakaka-proud nagagawa ko ‘yung expected sa akin, Super salbahe pa naman siya at saka malandi. Hahahaha!,” pakli niya.

 

Umuwing may bukol

Marami silang maigting na eksena ni Ms. Jean, ang away at sampalan, mahirap o madali bang gawin?
“Lahat naman ‘yun, may rehear­sal. May stunt coordinator naman kami. Pero hindi talaga maiiwasan na magkasakitan minsan, ‘yung uuwi kang may kalmot o kaya pasa! Minsan umuuwi ako na may bukol. Hahahaha. Ay, may naalala ako! May eksena kami ni Ms. Jean, sabunutan. Matapos ang take, sa floor ang da­ming buhok, Napansin niya, tinanong niya, ‘Beh, sa iyo ba ang buhok na ‘yan? Sagot naman ako, ‘Opo.” Si Ms. Jean, ang reaksyon, ‘Naku beh, sorry! Sa susunod, ganito, pag sinasabunutan kita, hahawakan mo, ganito, para di masyadong masakit. Ang dami na­ming fight scenes, pisikalan talaga.”

 

MGA Kissing scene umaapaw

Marami ang naiingit sa kanya dahil parang ang dami niyang lambi­ngan at halikan kay Neil Ryan Sese.

“Si Neil Ryan Sese, it is not the first time na nakatrabaho ko si Neil bilang asawa, magkasama na kami dati sa Anna Karenina. Ngayon ang dami naming kissing scenes. Yes, oo, sobrang dami talaga! Kaya kami, mabilis na mabilis, comfor­table na kasi kamo. Pag sinabing kissing scene na, sasabihin ko kay Neil, ‘lika, halikan na agad, take na!’ Hahaha! Wala kaming malisya kasi part of our work ‘yun.”

 

Kumustang katrabaho sina Jean Garcia, Gelli de Belen at iba pang seasoned actors na kasama?

“Nakaka-pressure! Kasi parang, shucks! Kailangan kong galingan kasi kung hindi, ako na naman ang mapapansin. Na ang layo-layo ko sa kanila pagdating sa pag-arte kaya dapat sumabay ako! Hahahaha! Sobrang supportive silang lahat. Ang kong natutunan sa kanila.

Kung kailan pa ako nasa isang long distance relationship, saka ko naramdam na I feel so secure, so loved and so wan­ted. We respect each other’s space.”

 

May do’s and dont’s ba sa taping?

“Ang dami! Hahahahha! Unang, don’t, bawal ang cellphone sa set. Dapat pag andun ka, prepared ka, in character. Dati nga, si Direk Laurice, pinagsabihan ako. ‘Di ba kasi, ang hilig, kong mag-opo, opo. Sabi niya. ‘Wag ka ngang mag-opo-opo diyan, ang gusto ko pag nasa set ka na, si Clarisse ka na! So ako naman, emote na agad, Clarisse na agad. Bawal mag-slouch, bawal ang pa-sweet!”

Sagot pa ni Valerie, “Ang maganda lagi kay Direk Laurice, pag hindi mo nakuha ang gusto niya, she approaches you, tapos itatanong niya bilang katauhan mo, ano ang nararamdam mo, let me see that, kung saan papunta ang emosyon ng karakter mo, ‘yun ang gusto niyang makita, actor’s director talaga siya.”

 

Kumusta naman ang buhay pag-ibig niya, paano siya niligawan ni Francis Sunga? Paano nangyari ang engagement?

“Para kaming whirlwind romance, eh. We met at a time na sabi ko, ayoko munang magka-bf. Ako kasi, never akong nabakante. After a month of my break up, meron na agad. Ganda, ‘di ba? Hahahaha. Na-survive ko naman na Pasko at bday ko, two years ago na walang karelasyon. January, may ex ako na gusto magkipagbalikan sa akin. Niloko ako nun kaya may isa akong friend, na violent ang reaksyon sa dramang balikan. My friend, inaya akong mag-dinner at dun ko nakilala ang fiance ko. Wala akong paki nun. Paella negra ang in-order ko na ‘yung black ink, didikit sa ngipin mo tapos kanin pa! Dedma! Hahahaha!Tanggap niya ako na ganu’n. Hahaha,” lahad pa niya.

Bago umalis ang kanyang fiance, babe na ang tawag sa kanya at nangako itong babalik sa Valentine. Ang fiance, hindi nakatiis, binigyan si Valerie ng all-expense paid trip sa Guam, kung saan ito nakabase.

 

Paano ang ligawan?

Dalawang linggo pa lang kami nun, sa Guam he requested. ‘Can you please wear something nice?’ Sa dinner, tinanong na niya agad ako, ‘Can you be my girlfriend’. Ang bilis! Hahahaha! Wala pang five se­conds sabi ko agad, ‘Okay, yes!’ Hahahaha! Na-touch ako kasi ‘yung mga naging ex ko, ni hindi ako tinanong formally, ang sarap sa pakiramdam!”

 

Kailan nangyari ang proposal?

“July this year, dumalaw rito, ako, asa, nag-antay, sabi ko eto na, eto na. Waley. Duma­ting ang birthday ko. Asang-asa na naman ako. Wala na naman. A few days before Christmas, pumunta kami sa Venezia Piaz­za. Sabi ko, ito na ‘yun, romantic ang lugar, maggo-gondola kami, mukhang magpro-propose na. Waley. Umasa pa naman ang ateng niyo, Hahahaha. Luhaan talaga! I did not see it coming! Inaya niya ako sa isang fine dining restaurant, sabi ko tinatamad ako. So, pumunta lang kami sa isang hotel. Dun na, sinabi niya na, ‘I really want you to marry me?’ Sabi ko, ‘Seryoso?’

Sabi niya, “Yes. I am asking you now, marry me.’ Reak ko, ‘Eto na ‘yun? Ilang buwan ako nag-antay tapos walang eksena, walang drama. Sobrang simple. Si­yempre, yes ang sagot ko, noh!”

Pagtatapos ni Vale­rie, “Kung kailan pa ako nasa isang long distance relationship, saka ko naramdam na I feel so secure, so loved and so wanted. We respect each other’s space.”

Para sa buong kuwento at bidyo ni Valerie Concepcion, pakibisita ang Abante Tonite Facebook page, Abante News Online Facebook page, Abante Tonite Youtube channel at sa website na tnt.abante.com.ph.