Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Valte: Bintang ni Parlade kay PNoy, walang katotohanan

0 287

Sinopla ni Abigail Valte, spokesperson ni dating Pangulo Noynoy Aquino, ang paratang ni AFP Southern Luzon Command Chief Antonio Parlade na walang ginawa ang dating administrasyon sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Valte, makikita sa mga record ang bawat diplomatic protest at pakikipag-usap ng Aquino administration sa China dahil sa agawan ng teritoryo.

“Lt. General [Antonio] Parlade’s characterization of the actions of the Aquino administration in dealing with the West PH Sea dispute is conveniently detached from the facts,” saad ni Valte.

Taong 2016 nang igawad sa Pilipinas ng Permanent Court of Arbitration ang West Philippine Sea, ngunit hanggang ngayon ay hindi ito kinikilala ng China.

Sa Commission of Appointments confirmation para kay Parlade, sinabi nito na taong 2013 pa lang ay nakita na nila ang reclamation activity ng China sa WPS, ngunit aniya’y hindi raw gumawa ng aksyon ang dating administrasyon sa kanilang mga report.

“The Office of the President did not take action. Even the National Security Council did not take action until such time that they were able to completely establish the military bases in the West Philippine Sea, and until there were this ruling from the arbitral tribunal,” bintang ng military general kay Aquino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.