Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van na may 7 sakay nahulog sa bangin, bata napuruhan

0 346

Patay ang isang bata nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa Tupi sa South Cotabato.

Sa imbestigasyon, sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng van nang makarating sa pinakamatarik na bahagi ng kalsada hanggang sa bigla itong bumulusok sa bangin.

Tumilapon ang pitong sakay ng van. Pinakanapuruhan ang bata na hindi binanggit ang edad.

SM food to go Banner Ad

Dinala pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Matinding sugat naman ang natamo ng mga kasakay nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.