Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van na may 8 sakay bumulusok sa bangin

0 37

Sugatan ang walong pasahero ng isang L300 van matapos itong mahulog sa bangin sa Maharlika Highway, Barangay Lungib, Calauag, Quezon nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ng MDRRMO Calauag, galing Bicol ang van at pabalik na sana sa Antipolo City nang dumiretso ito sa bangin sa pakurbang bahagi ng highway alas-10:00 ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ay mga bata. Mabilis naman silang na-rescue.

Ilan sa mga nasugatan ay isinugod sa pagamutan sa bayan ng Calauag. Maswerte namang walang nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Calauag Municipal Police Station, self accident ang nangyari.

Posible umanong hindi kabisado ng driver ng L300 van ang highway at mabilis ang takbo nito sa pakurbang bahagi.

Wala namang ibang nadamay sa aksidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.