Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van na may pasaherong walang travel permit pinuslit

0 135

TIMBOG ang dalawang umano’y nagpupuslit ng hinihinalang may COVID-19 mula National Capital Region (NCR) at naniningil ng P3,000 kada pasaherong ibiniyahe matapos maharang sakay ng isang van sa border checkpoint sa Barangay Pattao, Buguey, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ng Buguey Police Station (BPS) ang dinakip na sina Romeo Quizon, 57, at Bienvenido de San Jose, 43, kapwa taga Antipolo City, Rizal.

Sa report, ayon kay BPS officer P/Capt. Joel Labasan, isang Reynaldo Ibbay, 34, na lamang ang natitirang pasahero nina Quizon at Del San Jose habang nakababa na ang siyam katao nang pahintuin ng mga pulis ang kanilang sasakyan, alas-2:00 ng madaling araw pagdating sa nasabing checkpoint.

Ayon kay Labasan, napag-alaman na sinisingil ng dalawang suspek ang kanilang mga pasahero ng tig-P3,000 upang ipuslit sa bayan ng Buguey nang walang kaukulang travel permit at mga health document na nagpapakitang wala silang dalang COVID-19.

Ayon sa BPS, hinahanap nila ang iba pang isinakay sa van upang isalang sa quarantine. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.