Abante Tonite Interactive

Van na pa-Baguio nahulog sa bangin

206

Anim ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang sinasakyang Mitsubishi L-300 van sa bangin na nakakasakop sa bahagi ng Sitio Tigil, Barangay Sagpat, Kibugan, Benguet kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Cordillera Regional Police Office spokesperson Police Maj. Carolina Lacuarta, ang insidente ay nangyari dakong alas-9:55 ng umaga sa nasabing sitio.

Ayon kay Lacuarta, patungo umano ang van sa Baguio City na minamaneho ni Samuel Dolin, kasama ang lima pa nang madulas ang unang gulong ng sasakyan sanhi ng kanilang pagkahulog sa bangin na may lalim na humigit kumulang sa 50 metro.

Agad namang na-rescue ang mga biktima at isinugod sa Kibungan Regional Health Unit para bigyan ng first aid at inilipat sa Benguet General Hospital para isailalim sa iba pang pagsusuring medikal. (Allan Bergonia)