Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van nahulog sa bangin; 3 patay, 3 kritikal

0 103

PATAY ang tatlo katao habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang isang Mitsubishi Delica van na kanilang sinasakyan sa may 100 metro na lalim na bangin sa Sitio Timbac, Kabayan, Benguet kamakalawa.

Ang mga biktimang dead-on-arrival sa Atok District Hospital ay sina Andrew Tambuling Dulagan, Charlie Bagsawan Dulagan at Jerald Dulagan. Ang mga http://armodexperiment.com sugatan ay sina Jerry Tauli Dulagan, Honor Tauli Dulagan at Amos Bagsawan Dulagan.

Batay sa ulat ng Kabayan Police Station (KPS), nawalan ng preno ang sasakyan kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Kabayan Fire Station, Atok Fire Station, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa nasabing insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.