Abante Tonite Interactive

Van nahulog sa ilog: Belgian patay, misis sugatan

244

Namatay ang isang 65-anyos na dayuhan nang mahulog ang minamaneho nitong van sa isang ilog sa Alaminos, Laguna, Sabado ng hapon.

Kinilala ng Alaminos Police ang nasawi na si Dirk Francois, Belgian national at naninirahan sa Bay, Laguna.

Ginagamot naman sa San Pablo City Medical Center ang kanyang misis na si Babyliza Fancois.

Batay sa report, minamaneho ng biktima ang Delica van sa Calabarzon Road patungo sa direksyon ng Lipa City nang pagsapit sa tulay sa Brgy. San Miguel ay napadaan sa malubak na kalsada.

Nawalan ng kontrol sa sasakyan ang biktima at sumalpok pa ito sa puno bago tuluyang nahulog sa may kalalimang talampas patungo sa ilog.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

Sugatan namang dinala sa ospital ang kanyang misis na nagtamo rin ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ronilo Dagos)