Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van sinalpok ng pick up, 2 nadale

0 210

Nasawi ang driver ng isang L300 van habang sugatan ang kasama nito nang salpukin ng isang Mitsubishi Strada na nag-counter flow sa lugar sa Silang, Cavite.

Kapwa isinugod sa Estrella Hospital sina Joseph Templonuevo, 39 ng Anabu 2F, Imus City Cavite at Glen Maderia, 36 ng Block 1 Lot 2 Sunnydale Classic, Alapan 1, Imus City, Cavite pero hindi na umabot ng buhay si Templonuevo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng pulang Mitsubishi Strada na may plakang NAA 5227 na si Hector Frayna Andres, 54 ng Block 3 Lot 1 Jared St., Dexterville Classic, Sabang, Dasmariñas City, Cavite, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni P/Cpl. Ramil Legaspi, ng Silang Police, alas-siyete Lunes ng gabi nang naganap ang insidente sa E. Aguinaldo Highway, Brgy. Lalaan 1, Silang, Cavite.

Minamaneho ni Templonuevo ang L300 na may plakang VFN 309 nang nag-counter flow si Andres.

Dahil dito, nag-head on collision ang sasakyan ng dalawa.

Imbes na tulungan ng suspek ang mga biktima ay tumakas ito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.