Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Van vs motor, 2 dedo

0 62

Dalawa ang patay habang anim ang sugatan matapos ang aksidente na kinasasangkutan ng van at motorsiklo sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Alicia, Isabela noong Linggo ng gabi.

Sa unang insidente, patay si Alfredo Gumpal, 21-anyos, ng Brgy. Linglingay nang suwagin siya ng isang kotse noong Linggo ng pahatinggabi sa national highway ng Brgy. San Fernando.

Sa imbestigasyon ng Alicia Police Station (APS), patungong hila­gang direksyon ang kotse nang biglang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver hanggang napunta sa kabilang linya kaya nabangga ang van at sinuwag ang motorsiklo ni Gumpal.

Agan isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan pero dineklarang dead-on-arrival.

Anim naman ang sugatan mula sa sakay na van, kabilang na ang driver nito na kinilalang si Raffy Tabalanza, 30, taga-Pasay City.

Samantala, pumanaw din ang isang motorcycle rider, Linggo ng gabi sa Brgy. Sillawit, Cauayan City, nang bumangga siya sa poste ng bakod nang mag-overtake sa sinusundang SUV.

Nakilala ang motorcycle rider na si Darius Madamba, 40, na namatay agad.

Ayon sa pulisya, susunduin sana ng biktima ang kanyang misis na nagtatrabaho sa Santiago City nang mangyari ang aksidente. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.