Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vandolph bet gawin ang John en Marsha

0 105

NI: ARCHIE LIAO

Ayon kay Vandolph Quizon, kung bibigyan siya ng pagkakataon, bet niyang gawin ang iconic Pinoy sitcom na “John en Marsha” na pinagbidahan ng kanyang amang si Dolphy at Nida Blanca.

Pero, para sa kanya, nothing beats the original because the original is the best, ‘ika nga ng namayapang Queen of Intrigues na si Ate Luds.

“Yung John en Marsha, puwede naming gawin, pero mahirap pantayan. Nasa pag-uusap na lang namin nina Direk iyan,” ani Vandolph.

Kung sakali raw ang gaganap na Marsha ay walang iba kundi ang kanyang misis na si Jenny.

Hirit pa ni Vandolph, bilang komedyante, may hidden talent daw ang kanyang kabiyak sa pagpapatawa.

“Ang alam lang ng tao, ako itong kuwela. Pero sa totoo lang, mas kuwela siya sa akin sa tunay na buhay,”pagbubunyag ni Vandolph.

Ang mga karakter daw nina John at Marsha Puruntong ay puwede nilang mai-feature sa segment nila sa Quizon CT, ang pinabagong gag show na mapapanood sa Net-25 tuwing Linggo, 8 pm.

Malamang daw na mapanood ito sa segment nila na “Dolphy Classics” na nagbibigay-pugay sa ambag ng King of Comedy sa larangan ng pagpapatawa.

Bukod sa misis na si Jenny, tampok din sa “Quizon CT” ang mga kapatid niyang sina Eric at Epy Quizon na siya ring tumatayong directors ng show.

Nasa cast din sina Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Martin Escudero at Miss Universe Philippines 2020 4th runner-up Billie Hakenson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.