Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VanVleet ‘di iiwan Raptors

0 34

Hindi aalis sa poder ng Toronto Raptors si Fred VanVleet nang sumang-ayon sa isang four-year $85M re-sign deal kasama ang koponan, ayon sa ulat ng ESPN.

Bumida sa 2019 NBA Finals si VanVleet kontra Golden State Warriors upang masungkit ng Raptors ang kanilang unang kampeonato sa liga.

Related Posts

Pinamunuan rin ng 26-year-old, six-footer guard ang koponan nitong nakaraang season sa average na 17.6 points. May 6.6 assists at 1.9 steals per game pa siya.

Nire-tweet ni VanVleet ang kanyang post na “Bet on yourself” at nadagdag pa ng dollar sign emoticon nitong Linggo (Manila time). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.