Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VanVleet, Raptors 2-0 na rin sa Nets

0 145

Gumamit ng maliit na lineup si Nick Nurse at nagmistulang matatangkad ang Toronto Raptors sa loob ng playing court.

Ibinandera ng Raptors coach sina Fred VanVleet, Norman Powell, Kyle Lowry at Pascal Siakam upang ilista ang 104-99 panalo laban sa Brooklyn Nets kahapon sa Game 2 ng 2019-20 NBA playoffs sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Tumikada si VanVleet ng 24 points at 10 assists habang 24 din ang tinipa ni Powell para sa Toronto na abante na ng 2-0 sa kanilang best-of-seven series.

Ang pang-limang player ng Raptors ay si OG Anunoby, si Siakam ang kanilang naging sentro at hindi si 6-foot-11 Marc Gasol.

“It’s all feel,” patungkol ni Nurse sa kanyang desisyon na ipasok sina Siakam, VanVleet, Lowry, Powell at Anunoby. “I have tried to get my five guys who have played the best on the floor late.” (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.