Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vape bill pinababasura kay Duterte

0 59

Nanawagan ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pirmahan ang batas na papayagan ang mga 18-anyos na bumili at gumamit ng vape.

Sa ilalim ng panukalang Vaporized Nicotine Products Regulation Act, mula sa 21-anyos ay ibinaba sa 18 taong gulang ang mga papayagan na gumamit at bumili ng vape.

“The vape bill is contrary to public health goals and to President Duterte’s established position to protect Filipinos – especially the youth – from the harmful effects of smoke and emissions from tobacco products, vapor products, and heated tobacco products,” pahayag ng DOH.

Kapag inaprubahan umano ang vape bill ay mababalewala ang napagtagumpay sa pagpasa ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act at iba pang batas na may kinalaman sa kalusugan dahil malalantad ang kabataang Pilipino sa masamang dulot ng nakaka-adik na paggamit ng vape gaya ng alcohol, marijuana at iba pang ilegal na droga. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.