Abante Tonite Interactive

Vape charger umusok sa loob ng PAL plane

336

Umusok ang baterya at charger ng isang electronic cigarette o vape sa loob ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental.

Nagbabaan umano ang mga pasahero ng PAL nang big­lang umusok sa loob ng eroplano.

Mabilis namang sumaklolo ang cabin crew sa mga pasahero at agad ding naapula ang apoy at usok sa nasunog ng vape.

Walang nasaktan at wala ring nasira sa loob ng eroplano na pabalik ng Maynila.

Iniimbestigahan ngayon ng PAL kung bakit nasunog ang baterya at charger ng vape gayong hindi naman ito ginagamit.

Hindi naman ipinagbaba­wal ang pagdadala ng baterya at charger ng vape kaya malaya itong naipapasok ng mga pasahero.

Dahil sa pangyayari, rerepasuhin ng PAL ang kanilang rules and regulations sa mga bagay na hindi puwedeng dalhin sa loob ng eroplano.