Abante Tonite Interactive

Vape industry ayaw pa-regulate kaya binawal ni Digong

229

Naniniwala si Senador Pia Cayetano na “nabwisit” umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggi ng mga negosyante sa vape industry na i-regulate ang kanilang negosyo kung kaya’t nag-utos ito na ipagbawal ang paggamit ng e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa senador, una nang naglabas ng admi­nistrative order ang Department of Health (DOH) para i-regulate ang e-cigarette.

“And they said it in my hearing, they said it in consultations na ayaw ng mga industry ang AO na ‘yan. The industry players said that they were not happy with that AO,” ani Cayetano.

May ilang nagsampa ng kaso para pigilan ang DOH at ang Food and Drug Administration (FDA) na i-regulate ang vape industry at nagpalabas naman ng temporary restraining order ang korte.

“Eh ‘di nabwisit si Presidente, so ang basa ko sa kanya, “Ah ganu’n ha? Ayaw ninyo magpa-regulate, i-ban ko na lang kayo,” ani Cayetano.