Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vape juice bottle kinargahan ng marijuana, bistado

0 68

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang 62 piraso ng vape juice catridge na naglalaman ng liquid marijuana sa mga package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Agosto 22.

Ito na ang ika-95 record-breaking drug bust ng BOC-NAIA sa loob lang ng dalawang taon.

Dineklarang mga ‘food flavouring’ ang mga vape package at nakapangalan sa isang Roger Bowman, mula sa Amsterdam, Netherlands, at naka-consign naman sa isang Dee Sy ng San Juan City.

Batay sa ginawang test ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency, naglalaman ang mga vape juice ng tetrahydrocannabinol at cannabidiol, kapwa compound na matatagpuan sa marijuana.

Itinurn-over na sa PDEA kahapon ang mga nasamsam na mga vape juice catridge.

Leave A Reply

Your email address will not be published.