Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vape refill hinaluan ng marijuana

0 78

Naglabas ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng isang klase ng vapor product refill sa e-cigarette o vape dahil nagtataglay umano ito ng sangkap na marijuana.

Base sa FDA Advisory No. 2020-1579 na may petsang Agosto 27, 2020, nagpositibo sa cannabinol ang pagsusuri sa vape refill na “Gluttony Mamon”.

Natuklasan umano ng FDA na mayroong liquid cannabis ang naturang flavor ng vape refill na tinuturing na isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa FDA, ang Gluttony Mamon na 65ml ay walang nakasaad na manufacturer at hindi rin nakalagay ang expiry date ng produkto.

Kaugnay nito, nagbabala si FDA Director General Dr. Rolando Enrique Domingo sa mga establisimiyento o tindahan na huwag magbebenta ng naturang vape flavor product.

Hiniling din nito sa mga law enforcement agency at mga pamahalaang lokal na siguruhing walang nagbebenta ng produktong ito sa merkado sa kanilang mga nasasakupang lugar.
(Photo courtesy of  Sarah Johnson / www.blacknote.com)

Leave A Reply

Your email address will not be published.