Abante Tonite Interactive

Varcity player palit-puri sa scholarship

788

Inireklamo ng isang 16-anyos na dalagita ng kasong panggagahasa ang kanilang barangay captain na tumatayo ring head coach na umano ay makailang beses na humalay sa kanya sa Tanauan City, Batangas.

Kasama ang kanyang nanay, kamakalawa ay dumulog sa Tanauan City police ang biktimang si Dane, isang grade 11 senior high school student at miyembro ng softball team ng kanilang paaralan.

Base sa pahayag ni Dane, 2017 pa umano nang simulan siyang pagsamantalahan ng suspek na si Ramil Mercado, barangay captain ng Brgy. Altura Bata,
Tanauan City sa tuwing meron silang laban sa local at national softball competition. Bukod sa head coach ay manager din ng team ang suspek.

Ayon pa kay Dane, tinatakot siya ng kapitan na tatanggalin sa varsity team at mawawala din ang kanyang scholarship sa eskuwelahan kapag hindi siya pumayag na makipagtalik.

Nag-umpisa umano ang panggagahasa noong Agosto, Setyembre, Oktubre at Nobyembre 2017 at pinakahuli ay nitong Nobyembre 2018.

Dinadala umano siya ng kapitan sa isang bahay sa Brgy. Altura Bata at sa Jasmine hotel sa Brgy. Pagaspas, Tanauan City.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa chairman. (Ronilo Dagos)