Abante Tonite Interactive

Vargas, Belo, Manalo atbp, 2-pointer sa LBC Stag derby

254

Makaraan ang dalawang araw na siyapulan sa Pasay City Cockpit, sumulong ang 51 gamefowl breeders sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” sa mga naiposteng kartadang 2-0 panalo -talo.

Panibagong 100 kalahok ang mga sasalang sa third round elims sa PCC ngayong Lunes na mga presintasyon ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Sa 3-stag semifinals sa Biyernes, July 26 ang labananan ng lahat ng qualifiers nitong July 12, 19 at 22.

Kabilang sa mga two pointer noong Biyernes: Ruben Vargas, Sonny Bello, Rommel Manalo, Eboy Mutuc, Rocky Ilagan, Cris at Paolo Mercado, Harold Ramos, Rafael Pabuna, Jasper Villamanto, Charles Tan, Robert del Rosario, Eric dela Rosa, Jerald Picazo, Honey Yu, Rep. Pol Dy, Alan Siaco, John Liao, Pet Policarpio, Jon Lasco, Oting Rubite at Jeffrey at Aylwyn Sy.

“LBC’s elimination and semifinal rounds will be held in various venues in Luzon (July and August) and will culminate with the grand finals at Pasay Cockpit on Aug. 30,” ani LGBA president Nick Crisostomo nitong Linggo.

Sa karagdagang mga impormasyon makipag-­ugnayan kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 843 1746 at 816 6750.(Enjel Manato)