Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vargas tinulak insentibo sa local, foreign filmmaker

0 72

Isinulong ng isang mambabatas ang pagkakaloob ng dagdag na insentibo sa mga local at foreign film production upang mahikayat ang mga international filmmaker na gumawa ng pelikula sa Pilipinas.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na bagama´t napakayaman ng Pilipinas sa magagandang tanawin ay hirap naman mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa ating bansa.

“Bakit nga ba hirap tayong mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa Pilipinas? Mayaman naman tayo sa magagandang tanawin. World-class ang beaches natin. Dagdag pa riyan, magaling mag-Ingles ang mga Pinoy. Hindi problema ang pakikipag-usap sa mga banyaga. I believe, Mr. Speaker, that the problem lies in the lack of incentives for filmmakers,” ayon kay Vargas.

Dahil dito, panahon na umano upang seryosohin ang film tourism upang ganap na maibida ang Pilipinas at ito´y sa pamamagitan ng pagsusulong ng film incentive program.

Hindi lang umano ang industriya ng pelikula ang makikinabang sa pagpapabuti ng mga insentibo para sa foreign production kundi uunlad ang buong bansa oras na maipakita ang ganda ng Pilipinas at galing ng Pinoy sa mundo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.