Abante Tonite Interactive

Varsity player ginahasa ni Coach

2,735

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang coach ng isang unibersidad sa Lungsod ng Maynila dahil sa diumano’y pangmomolestiya sa isang atleta kapalit ng scholarship nito.

Laglag sa NBI Cybercrime ­Division ang suspek na si Dico Ili, na nahuli sa isang fast food chain sa UN Taft Ave., Maynila.

Nag-ugat ang kaso laban sa nasabing coach matapos itong ireklamo ng 22-anyos na lala­king estudyante at atleta ng unibersidad.

Ayon sa biktima na tinago sa pangalang ‘Ray’, tinakot umano siya ni Ili na hindi na matutuloy ang kanyang scholarship kung hindi pagbibigyan ang hiling nitong pakikipagtalik.

“Hinahawakan niya po ‘yung ari ko, may mga ginagawa po siyang kababuyan,” kuwento ni Ray sa pulisya base na rin sa lumabas na report sa ABS-CBN.

Bukod sa nasabing panghahalay ay nakarekober ang mga awtoridad kay Ili ng mga ATM na pag-aari umano ng iba pang atleta na kanyang tinuturuan.
Todo-tanggi naman si Ili at aniya’y hindi totoo ang alegasyon.

Nang tanungin naman kung bakit hawak nito ang mga ATM ng mga atleta, “For safe keeping po para hindi po nila magastos,” katwiran nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing kaso.