Abante Tonite Interactive

Vasallo binuhay pa sa semis ang PITC

520

Pumukol ng magkakahiwalay na panalo ang Judiciary, National Hou­sing Authority at Philippine International Tra­ding Corporation nitong Linggo, Disyembre 15 sa San Juan City gym upang maisalba pa ang kanilang tsansa sa semifinals berth ng 8th UNTV Cup 2019.

Sa tatlong laro sa se­cond round eliminations, highlight ang pagbulaga ng PITC Global Traders sa dating walang talong Department of Environment Warriors, 74-64, sa malupit na mga kamay ni Rod Vasallo na pumukpok ng 24 points.

Nakaposte ng ma­laking awang sa second quarter ang Global Tra­ders dahil kay Vasallo para sumalo sa ikaapat-ikaanim na puwesto sa 5-3 win-loss record, dinungisan ang Warriors (6-1) sa pitong laro sa torneong inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Akyat naman sa 6-3 ang NHA Builders nang pabagsakin ang PhilHealth Plus (2-6) 100-96, sa pangunguna ni Alvin Vitug bumakbak din ng 24 markers katuwang si Marvin Mercado na may 22 pts at 13 rebounds.

At pinahaba naman ni former PBA player Chester Tolomia ang win streak ng Judiciary Magis (5-3) tapos gapasin ang Department of Agriculture (4-4), 81-72.

First game
NHA 100 – Vitug 24, Mercado 22, Dizon 18, Lustestica 15, Prado 8, Tibay 5, Crisostomo 4, Adolfo 3, Valdez 1.

PHILHEALTH 96 – Aldave 37, Emata 29, Mazo 10, Hernandez 10, Pacheco 4, Malana 4, Armojallas 2.

Quarters: 26-22, 47-48, 77-72, 100-96.

Second Game
JUDICIARY 81 – Tolomia 22, Dela Cruz 13, Ybanez 13, Bergonio 11, Dionisio 7, Marquez 6, Malinao 4, Puno 2, Sa­lamat 2.

AGRICULTURE 72 – Oreta 23, Fernandez 12, Mastelero 11, Casaysayan 9, Comerciase 7, Manigo 7, Silva 3.

Quarters: 15-27, 41-40, 64-53, 81-72.

Third Game
PITC 74 – Vasallo 24, Regalado 14, Taplah 12, Gecale 10, Lopez 7, Almarinez 3, Juan 2, Martin 2.

DENR 64 – Rivera 20, Abanes 18, Bangal 12, Ayson 7, Gamboa 6, Calungcagin 1
Quarters: 17-18, 36-35, 57-50, 74-64. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad