Abante Tonite Interactive

VAT sa langis ibasura

361

Muling ipinanawagan sa Kongreso na ibasura ang value added tax (VAT) sa langis at mga produktong petrolyo.

Dahil sa VAT, nakikinabang pa ang gobyerno sa paghihirap ng mga tao, ayon kay Bayan Muna chairperson at Makabayan senatorial bet Neri Colmenares.

Sa pamamagitan ng 12% na VAT ay kumikita aniya ang gobyerno sa tuwing magtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa pagtataya ni Colmenares, batay sa datos na nakuha nito hanggang Marso 19, ng kasaluku­yang taon ay arawang kumikita ang gobyerno ng P25.41 milyon sa diesel at P17.66 milyon sa gasolinan dahil sa VAT.

Sa nakalipas na 24 na araw pa lamang ay nakakolekta na ang gobyerno ng hindi lalagpas sa isang bilyong piso bunsod ng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“It is unconscionable that government is bene­fitting from high oil prices. In fact, it is government’s obligation to keep the price of oil and fuel low, so that the products and services relying on these can also be kept low, thereby benefitting the economy and our people,” pagdidiin ni Colme­nares.

Ipinaliwanag naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na hindi kagaya ng fixed taxes o nakapako ng buwis, ang VAT ay tumataas din kapag nagmamahal ang presyo ng langis.

“Because it is shouldered fully by consumers with no regard to their income status, it is regressive in nature. And because it is being applied to oil and fuel, which is the lifeblood of the economy, it becomes oppressive, affective everyone and eve­rything,” pahayag ni Zarate.

Ang VAT aniya sa langis ay ipinatupad noong 2005 para matugunan ang malaking budget deficit na nagresulta sa paghina ng piso.

“It was supposed to be a temporary measure. Now is the time to remove it,” giit ni Zarate.

Nag-akda ng panukala ang Bayan Muna solon para tanggalin ang VAT sa mga produktong petrolyo. (Aries Cano)