Abante Tonite Interactive

VCO gamot sa COVID?

679

Sinuportahan ng Department of Science and Technology(DOST) ang isinasagawang `supporting research ‘ sa paggamit ng virgin coconut oil bilang food supplement anti-viral medication laban sa COVID-19.

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na hinihintay nila ang resulta ng isinasagawang pag-aaral ni Professor Fabian Antonio Dayrit ng Ateneo de Manila University, na siya rin vice president ng National Academy of Science and Technology (NAST) sa taglay na medicinal value ng virgin coconut oil o VCO.

“We have taken note of the studies of Doctor Dayrit and the literature review he has done that has established the strong anti-viral properties of VCO,”ayon kay Dela Peña.

Bukod sa pag pondo sa isinasagawang pag-aaral ni Dayrit na may partnership sa pagitan ng Ateneo at sa Duke University-National University of Singapore (Duke-NUS), inaalam umano ang kakayahan ng testing coconut oil para maalis o mapigilan ang infection ng SARS-CoV2 na sanhi ng COVID-19.

Nalaman na pinopondohan rin ng DOST,ang dalawang iba pang research ang development R&D proposal .

Nabatid kay Dela Peña na pinondohan ng DOsT ang shipment ng sample ng volume ng VCO sa Singapore para makasama sa grupo ng compounds na sinusuri bilang posibleng gamot kontra COVID-19.

Gayundin, popondohan ng DOST ang dalawang pag-aaral na isinasagawa ng UP-Philippine General Hospital ,kung saan bibigyan ng VCO ang COVID-19 patients para malaman ang kapabilidad na makagamot.

Ang ibang pag-aaral ay magiging clinical trial sa VCO sa antiviral na kapabilidad nito sa isang Persons Under Investigations (PUIs) sa COVID-19 sa pagitan ng. De La Salle University-Dasmariñas and DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI), Philippine Coconut Authority ar DOST-Calabarzon Region Office.

“The immediate objective is to get FDA (Food and Drug Administration) approval of VCO as a herbal supplement with clear indications that it can help fight COVID-19,”ayon kay Dela Peña.

“Ultimately, we want clinical trials to be done to get approval of VCO as a drug and not just a health supplement,”dagdag pa nito.

Ang hospital-based study nf UP-PGH ay tinawag na `Virgin Coconut Oil and Omega-3A Adjunctive Therapy for Hospitalized Patients with COVID 19” na pamumunuan ni Dr. Marissa Alejandria.

Nabatid na ang VCO ay magsisilbing supplement para sa araw araw na paggamot sa nagpositibo sa COVID-19 na pasyente.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad