Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco 2 gold sa PhilCycling

0 86

Inangkin ni Kate Yasmin Velasco ng Philippine Navy Standard Insurance ang pangalawa niyang gold medal nang pangunahan ang PhilCycling National Trials for Road massed start women’s race sa Clark Freeport Zone Linggo.

Nagposte siya 2:15:17.62 upang sundan ang panalo rin nitong Sabado sa women’s Individual Time Trial (ITT) at silver pa sa criterium sa event na mga hatid ng Smart at MVP Sports Foundation, at mga suportado ng Go for Gold, Chooks-to-Go, GAC Motor, Gatorade, Versa, 7-Eleven, Le Tour de Filipinas, 7-Eleven, UBE Express Inc., Powerade, Wilkins, Coca-Cola, Shimano, Bike-X at MadCrank.

Pumangalawa naman si Avegail Rombaon sa 2:15:19.38s habang si criterium golkd winner Mathilda Krog ang pumangatlo sa 2:15:19.75 sa okasyong binalangkas ni PhilCycling president Rep. Abraham Tolentino.

“Kumuha lang ako ng buwelo sa siko para makawala. Since hindi naman lahat kayang lumiko ng matulin, kasi alam ko na kaya ko rin ng ganun,” ani Velasco. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.