Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco hihimayin tax sa langis

0 551

Habang hinihintay na matapos ng Senado ang paghimay sa 2022 national budget, pag-aaralan naman ng Kamara ang mga panukala na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Jay Velasco, maaaring makaapekto sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

“As we prepare for the wider reopening of businesses, we must ensure that our economic recovery will not be hampered by unwelcome disruptions, such as the unimpeded sharp rise in the cost of fuel,” sabi ni Velasco.

Binigyan-diin ni Velasco ang kahalagahan na matukoy ang sanhi ng mataas na presyo ng langis para makagawa ng hakbang ang Kongreso upang mapababa ito.

Samantala, tiniyak nina Velasco at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na agad na raratipikahin ng Kamara ang bicameral conference committee report ng P5.024 trilyong budget para sa 2022.

Ipinadala ng Kamara sa Senado ang kopya ng 2022 General Appropriations Bill (GAB) noong Oktubre 25. Inaprubahan ito ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre 30. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.