Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco kay Cayetano: Pili ka anong gusto mo

0 69

Bukod sa alok na maging deputy speaker, bukas din si Speaker Lord Allan Velasco na ibigay kay dating speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang anumang committee chairmanship na gugustuhin nito.

“He (Cayetano) can choose either a committee chairmanship or a deputy speaker position,” ayon kay Velasco.

Muling nilinaw ni Velasco na maayos naman ang kanilang relasyon ni Cayetano mula noong nagkita sila kasama si Rodrigo Duterte sa Malacañang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Like what I said last time during one of my speeches, I said I’m extending my healing hand to former Speaker Cayetano and I did,” ayon kay Velasco.

Kasabay nito, tiniyak ni Velasco na habang naka-adjourn ang sesyon ay walang reorganisasyon na magaganap sa committee chairmen dahil nais niya umanong mapanatili ang pagkakaisa ng mga miyembro.

“Sabi ko nga po hindi pwedeng maging isang Kongreso na watak-watak. Sa panahon ngayon, especially sa COVID, kinakailangang iisa kami, isang buo ang Kongreso nang sa gayon ‘yung pagpasa namin ng mga bills ay talagang mapabilis,” dagdag ni Velasco. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.