Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco, Krogg sa cycling pool

0 97

Pangungunahan nina Kate Yasmin Velasco at Mathilda Krogg ang national women’s road cycling training pool para sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam makaraang magdomina ang Philippine Navy Standard Insurance pedalpushers sa dalawang araw na PhilCycling National Road Trials 2021 sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga nitong weekend.

Gold medal winner si Velasco sa elite road race at individual time trials at silver sa elite criterium habang pumrimera si Krogg sa citerium at tumersera sa road race sa pdyakang mga hatid ng Smart at MVP Sports Foundation, at mga suportado ng Go for Gold, Chooks-to-Go, GAC Motor, Gatorade, Versa, 7-Eleven, Le Tour de Filipinas, 7-Eleven, UBE Express Inc., Powerade, Wilkins, Coca-Cola, Shimano, Bike-X at MadCrank.

Sa men’s pool, inaasahang mamumuno ang mga naka-gold ding sina Ronald Oranza (elite road race) na kakuwadra nina Velasco at Krogg, Mark John Lexer Galedo ng 7-Eleven Roadbike Philippines (ITT) at Dominic Perez (criterium).

Inorganisa ang event ni PhilCycling (Integrated Cycling Federation of the Philippines) president Abraham Tolentino. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.