Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco kumpiyansa sa mga para athlete

0 31

Naging pang-anim na Paralympian si para powerlifter Achelle Guion at nakatakdang katawanin ang bansa sa 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatrasado ng pandemya sa parating na Agosto 24-Setyembre 5.

Veteran para-powerlifter na sumabak at pumang-anim sa 2012 London Paralympics, siya ay silver medalist sa women’s 45kg ng Asian Para Games noong 2014 sa Incheon at 2018 sa Jakarta.

Ipinahayag Huwebes ni 2020 Tokyo Paralympics Team Para Philippines chef de mission Francis Diaz, na ang bilang ay humigit na sa lima sa 2016 Rio de Janeiro Paralympics kung saan nag-bronze si Josephine Mdina sa para table tennis.

Nagpaabot naman ng suporta si Philippine Sports Commission National Training Director Marc Edward Velasco sa anim na Paralympian, “We all hope to see them all proudly waving the flag in medal finishes.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.