Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco, Lim may isisiwalat

0 171

Kakamustahin ang estado ng ensayo ng tatlong national sports association (NSA) na nasa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba sa edisyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum mamaya.

Bisita sa 10 a.m. session sina Philippine Sports Commission PSC) national training director Marc Edward Velasco at Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim.

Pinaghahandaan ng mga atleta ng tatlong NSAs ang kani-kanilang Olympic qualifying tournaments sa Paris sa June.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga nasa Calambubble ang karatekas, ibabalita ni Lim ang na-postpone na 6th Asian Indoor Martial Arts Games. Si Lim ang chef de mission ng delegasyon sa naudlot na AIMAG event.

Ang Forum ay mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Powered by Smart at Upstream Media bilang webcast partner, naka-livestream ang Forum sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.