Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Velasco niresbakan sa kawalan ng palabra de honor

0 224

Kinuwestiyon ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang kawalan umano ng palabra de honor ni Speaker Lord Allan Velasco.

“Where’s the palabra de honor?” pasaring ni Cayetano kay Velasco matapos na isa-isa nang sibakin ng huli sa kanilang mga hawak na posisyon sa Kamara ang ilang kongresista na kilalang malapit sa kanya.

Pinakahuling sinibak si AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na tinangal bilang chairperson ng House committee on public accounts.

Una nang tinanggal bilang deputy speaker si Camarines Sur Rep. Luis Raymund `LRay’ Villafuerte Jr. at Bulacan Rep. Jonathan Alvarado bilang chairperson ng House committee on good government and public accountability.

Ayon kay Cayetano, si Velasco mismo ang nagsabi umano kay Pangulo Rodrigo Duterte sa kanilang pulong na walang magbabago o gagalawin sa liderato at committee chairmanship oras na umupo na siya bilang Speaker.

Subalit lahat umano ng sinabi ni Velasco ay tinalikuran nito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.